Monday, September 29, 2014

Ol in Wan

Katahimikan, nariyan na ang nakabibinging katahimikan.Ika-apat ng Hunyo taong 2013- tandang tanda ko pa ang araw na ito. Araw kung kailan ko naramdaman ang sobrang kaba. Para bang umakyat lahat ng dugo sa ulo ko. Paano ba naman, si Sir timbal ang magiging adviser namin.

Bukod sa strikto at masungit daw ay wala na akong ibang alam na bagay tungkol kay sir. Iyon lang naman ang halos madalas sabihin ng mga mag-aaral na napagtanungan ko. At nung pumasok na sya ng silid-aralan, "Juicecolored, patnubayan nyo po ako sa buong taon" ito ang mga katagang tanging nabanggit ko. Tindig pa lang ay siguradong titklop lahat ng tapang at yabang mo sa katawan. Yung para bang gugustuhin mong umuwi na lang at wag nang pumasok kahit kailan. Naalala ko pa nun kung pano ko saktan sa isip ko ang bawat mag-aaral na bumoto sa'kin bilang presidente ng klase. Kung susumahin lahat ng ito, mahihinuha mo na takot na takot ako noong mga panahon iyon. Ngunit nang maglaon, nakilala ko ang tunay na sir Timbal.

Masayahin at talagang napakabuting guro- dito ko mailalarawan si Sir. Isa sya sa pinakapaborito kong guro sa buong buhay ko.  Binusog nya sa kakaibang aral ang bawat isipan namin. Pinalawak ang pag-unawa at tinuruang tumanggap ng pagkakamali, mga bagay na talagang hinubog niya. Kung nung una ay pinagsisisihan ko na naging pangulo ako, ngayon ay labis ko na itong ipinagpapasalamat. Pinatatag nya ang tiwala ko sa'king sarili. Tinuruang kumilos ng may kusa. Hindi lang yan, pati kasi sa mga biro at pagpapatawa ay hindi nya pinalampas. Ipinakita sya sa'min kung paano ngitian ang bawat problema. Sa pagatatapos nitong talata, nais kong ulitin na napakabuting guro ni Sir Timbal at kung ano man ang taglay nyang katangian ang hinding hindi ito matatawaran ninuman.

Nasa dulong bahagi ng ako ng papel na aking sinusulatan ngunit hindi pa rin nauubos ang mga masasyang bagay na nais kong sabihin patungkol kay Sir. Kaya marahil ay tatapusin ko na lang ito sa isang malaking pasasalamat. Sir, maraming maraming salamat sa lahat. Lumipas man ang napakaraming panahon ang sinisigurado ko na hindi hindi namin malilimutan ang bawat aral. Mga aral na syang babaunin namin habang buhay. Mga aral na nagmula sa gurong maituturing na 'Ol in Wan.